1Kayong mga pinuno, matuwid ba ang paghatol ninyo sa mga tao?
2Hindi! Dahil paggawa ng masama ang laging iniisip ninyo at namiminsala kayo sa iba saanman kayo naroroon.
3Ang masasama ay lumalayo sa Diyos at mula nang isilang ay nagsisinungaling na.
4Para silang mga ahas na makamandag. Parang kobrang tinakpan ang tainga,
5hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay na tagapagpaamo niya.
6O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!
7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo at gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga palaso.
8Maging tulad sana sila ng kuhol na parang natutunaw habang gumagapang, o ng sanggol na patay nang ipinanganak, na hindi pa nakakita ng liwanag.
9Mabilis silang tatangayin ng Diyos, maging ang mga nabubuhay pa, mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.
10Magagalak ang mga matuwid kapag nakita na nilang pinaghigantihan ng Diyos ang masasama, at dumanak na ang kanilang dugo.
11At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang may gantimpala ang matutuwid at mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”