Awit 58

Mabilis silang tatangayin ng Diyos, maging ang mga nabubuhay pa, mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.

Psalm 58:9 (UKJV) Before your pots can feel the thorns, he shall take them away as with a whirlwind, both living, and in his wrath.

7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo at gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga palaso.

8Maging tulad sana sila ng kuhol na parang natutunaw habang gumagapang, o ng sanggol na patay nang ipinanganak, na hindi pa nakakita ng liwanag.

9Mabilis silang tatangayin ng Diyos, maging ang mga nabubuhay pa, mabilis pa sa pag-init ng palayok na inaapuyan ng malakas.

10Magagalak ang mga matuwid kapag nakita na nilang pinaghigantihan ng Diyos ang masasama, at dumanak na ang kanilang dugo.

11At sasabihin ng mga tao, “Tunay ngang may gantimpala ang matutuwid at mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.