Awit 149

1Purihin ang Panginoon! Umawit kayo ng bagong awit sa Panginoon. Purihin nʼyo siya sa pagtitipon ng kanyang tapat na mga mamamayan.

2Magalak ang mga taga-Israel sa kanilang Manlilikha. Magalak ang mga taga-Zion sa kanilang Hari.

3Magpuri sila sa kanya sa pamamagitan ng pagsasayaw; at tumugtog sila ng tamburin at alpa sa pagpupuri sa kanya.

4Dahil ang Panginoon ay nalulugod sa kanyang mga mamamayan; pinararangalan niya ang mga mapagpakumbaba sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng tagumpay.

5Magalak ang mga tapat sa Diyos dahil sa kanilang tagumpay; umawit sila sa tuwa kahit sa kanilang mga higaan.

6Sumigaw sila ng pagpupuri sa Diyos habang hawak ang matalim na espada,

7upang maghiganti at magparusa sa mamamayan ng mga bansa,

8upang gapusin ang kanilang mga hari at ikadena ang kanilang mga pinuno,

9at parusahan sila ayon sa utos ng Diyos. Itoʼy para sa kapurihan ng mga tapat na mamamayan ng Diyos. Purihin ang Panginoon!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.