Awit 58

O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!

Psalm 58:6 (UKJV) Break their teeth, O God, in their mouth: break out the great teeth of the young lions, O LORD.

4Para silang mga ahas na makamandag. Parang kobrang tinakpan ang tainga,

5hindi nakikinig sa tinig ng mahuhusay na tagapagpaamo niya.

6O Panginoong Diyos, basagin nʼyo po ang kanilang mga ngipin na parang pangil ng mga leon!

7Mawala sana silang tulad ng tubig na natutuyo at gawin mo ring walang silbi ang kanilang mga palaso.

8Maging tulad sana sila ng kuhol na parang natutunaw habang gumagapang, o ng sanggol na patay nang ipinanganak, na hindi pa nakakita ng liwanag.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.