5Ngunit darating ang araw na manginginig sila sa takot, dahil kakampihan ng Diyos ang mga matuwid.
6Sinisira ng masasamang tao ang mga plano ng mga dukha, ngunit ang Panginoon ang magiging kanlungan nila.
7Dumating na sana ang Tagapagligtas ng Israel mula sa Zion! Magsasaya ang mga Israelita, ang mga mamamayan ng Panginoon, kapag naibalik na niya ang kanilang kasaganaan.