Awit 61

Mula sa dulo ng mundo, akoʼy tumatawag sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

Psalm 61:2 (UKJV) From the end of the earth will I cry unto you, when my heart is overwhelmed: lead me to the rock that is higher than I.

1O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

2Mula sa dulo ng mundo, akoʼy tumatawag sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

3dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

4Hayaan po ninyong akoʼy manatili sa inyong Templo, magpakailanman. Kayo ang aking kanlungan, akoʼy inyong iniingatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.