Awit 61

O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

Psalm 61:1 (UKJV) Hear my cry, O God; attend unto my prayer.

1O Diyos, pakinggan nʼyo ang aking panawagan. Dinggin nʼyo ang aking dalangin.

2Mula sa dulo ng mundo, akoʼy tumatawag sa inyo dahil nawalan na ako ng pag-asa. Dalhin ninyo ako sa lugar na ligtas sa panganib,

3dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.