Awit 61

Dahil napakinggan ninyo, O Diyos, ang aking mga pangako at binigyan nʼyo ako ng mga bagay na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.

Psalm 61:5 (UKJV) For you, O God, have heard my vows: you have given me the heritage of those that fear your name.

3dahil kayo ang aking kanlungan, tulad kayo ng isang toreng matibay na pananggalang laban sa kaaway.

4Hayaan po ninyong akoʼy manatili sa inyong Templo, magpakailanman. Kayo ang aking kanlungan, akoʼy inyong iniingatan.

5Dahil napakinggan ninyo, O Diyos, ang aking mga pangako at binigyan nʼyo ako ng mga bagay na ibinibigay nʼyo sa mga may takot sa inyo.

6Pahabain nʼyo ang buhay ng hari at paghariin nʼyo siya sa mahabang panahon sa pamamagitan ng kanyang mga lahi.

7Sanaʼy maghari siya magpakailanman na kasama ninyo, O Diyos. Ingatan ninyo siya dahil sa inyong pag-ibig at katapatan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.