Awit 87

Ililista ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at isasama rin niya ang maraming tao na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.

Psalm 87:6 (UKJV) The LORD shall count, when he writes up the people, that this man was born there. Selah.

4Sabi niya, “Kung ililista ko ang mga bansang kumikilala sa akin, isasama ko ang Ehipto, ang Babilonia, pati na ang Filistia, Tiro at Etiopia. Ituturing kong tubong Jerusalem ang kanilang mga mamamayan.”

5Ito nga ang masasabi tungkol sa Zion, “Ang taong ito at iyon ay tubong Jerusalem. At ang Kataas-taasang Diyos ang siyang magpapatatag ng lungsod niyang ito.”

6Ililista ng Panginoon ang kanyang mga mamamayan at isasama rin niya ang maraming tao na ituturing niyang mga tubong Jerusalem.

7Silang lahat ay magsisiawit ng, “Ang lahat ng ating mga pagpapala ay sa Jerusalem nagmula!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.