Awit 96

Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan nang higit pa kaysa anumang mga diyos.

Psalm 96:4 (UKJV) For the LORD is great, and greatly to be praised: he is to be feared above all gods.

2Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.

3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

4Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan nang higit pa kaysa anumang mga diyos.

5Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa ay pawang diyos-diyosan lamang. Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.

6Nasa kanya ang kapangyarihan at karangalan; at nasa Templo niya ang kalakasan at kagandahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.