Awit 96

Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

Psalm 96:3 (UKJV) Declare his glory among the heathen, his wonders among all people.

1Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo ng mga bagong awit sa Panginoon!

2Awitan ninyo ang Panginoon at purihin ang kanyang pangalan. Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagligtas niya sa atin.

3Ipahayag ninyo sa lahat ng mamamayan sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at mga kahanga-hangang gawa.

4Dahil dakila ang Panginoon, at karapat-dapat papurihan. Dapat siyang katakutan nang higit pa kaysa anumang mga diyos.

5Sapagkat ang lahat ng diyos ng ibang mga bansa ay pawang diyos-diyosan lamang. Ngunit ang Panginoon, siya ang lumikha ng langit.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.