Awit 1

Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya.

Psalm 1:3 (UKJV) And he shall be like a tree planted by the rivers of water, that brings forth his fruit in his season; his leaf also shall not wither; and whatsoever he does shall prosper.

1Pinagpala ang taong hindi namumuhay ayon sa payo ng masasama o sumusunod sa maling halimbawa ng mga makasalanan, at hindi nakikisama sa mga taong mapangutya.

2Sa halip ay nagagalak siyang sumunod sa mga aral mula sa Panginoon, at kanyang pinagbubulay-bulayan ang mga ito araw-gabi.

3Siyaʼy katulad ng isang punongkahoy na itinanim sa tabi ng sapa, namumunga sa takdang panahon at hindi nalalanta ang mga dahon. Magtatagumpay siya sa anumang gagawin niya.

4Ngunit iba ang mga taong masama; silaʼy tulad ng ipa na tinatangay ng hangin.

5Sa araw ng paghatol, silaʼy parurusahan at ihihiwalay sa matutuwid.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.