Awit 100

Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

Psalm 100:3 (UKJV) Know all of you that the LORD he is God: it is he that has made us, and not we ourselves; we are his people, and the sheep of his pasture.

1Kayong mga tao sa buong mundo, sumigaw kayo nang may kagalakan sa Panginoon!

2Sambahin ninyo nang may kagalakan ang Panginoon. Lumapit kayo sa kanya na umaawit sa tuwa.

3Kilalanin ninyo na ang Panginoon ang Diyos! Siya ang lumikha sa atin at tayoʼy sa kanya. Tayoʼy kanyang mga tupa na kanyang inaalagaan sa kanyang pastulan.

4Pumasok kayo sa kanyang Templo nang may pagpapasalamat at pagpupuri. Magpasalamat kayo at magpuri sa kanya.

5Dahil mabuti ang Panginoon; ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan, at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.