37Inihandog nila ang kanilang mga anak sa mga demonyo.
38Pinatay nila ang kanilang mga walang malay na anak; Inihandog nila ang mga ito sa mga diyos-diyosan ng Canaan, sa ganooʼy dinungisan nila ang lupain.
39Dinungisan din nila ang kanilang mga sarili. Dahil sa kanilang ginawang iyon, nagtaksil sila sa Diyos; katulad nilaʼy isang babaeng nakiapid.
40Kaya nagalit ang Panginoon sa kanyang mga mamamayan, at silaʼy kanyang kinasuklaman.
41Ipinaubaya niya sila sa mga bansang kanilang kaaway, at sinakop sila ng mga bansang iyon.