Awit 107

Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon, at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.

Psalm 107:19 (UKJV) Then they cry unto the LORD in their trouble, and he saves them out of their distresses.

17May mga naging hangal dahil sa kanilang likong pamumuhay, at silaʼy naghirap dahil sa kanilang kasalanan.

18Nawalan sila ng gana sa kahit anong pagkain at malapit nang mamatay.

19Sa kanilang kagipitan, tumawag sila sa Panginoon, at silaʼy iniligtas niya sa kanilang pagdurusa.

20Sa kanyang salita silaʼy nagsigaling at iniligtas niya sila sa kamatayan.

21Kaya dapat silang magpasalamat sa Panginoon, dahil sa pag-ibig niya at kahanga-hangang gawa sa mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.