1Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon, “Umupo ka rito sa aking kanan hanggang sa gawin kong iyong apakan ang iyong mga kalaban.”
2Palalawakin ng Panginoon ang iyong kaharian mula sa Zion, at paghaharian mo ang iyong mga kaaway.
3Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway, kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao. Ang mga kabataang iyong nasasakupan ay pupunta sa iyo doon sa banal na burol katulad ng hamog tuwing umaga.
4Ang Panginoon ay sumumpa at hindi magbabago ang pasya niya, na ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.