Awit 110

Ang Panginoon ay kasama mo. Parurusahan niya ang maraming hari sa oras ng kanyang galit.

Psalm 110:5 (UKJV) The Lord at your right hand shall strike through kings in the day of his wrath.

3Sa panahon ng iyong pakikidigma sa mga kaaway, kusang-loob na tutulong sa iyo ang iyong mga tao. Ang mga kabataang iyong nasasakupan ay pupunta sa iyo doon sa banal na burol katulad ng hamog tuwing umaga.

4Ang Panginoon ay sumumpa at hindi magbabago ang pasya niya, na ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

5Ang Panginoon ay kasama mo. Parurusahan niya ang maraming hari sa oras ng kanyang galit.

6Parurusahan niya ang mga bansa, at marami ang kanyang papatayin. Lilipulin niya ang mga namumuno sa buong mundo.

7Mahal na Hari, kayo ay iinom sa batis na nasa tabi ng daan, kaya muli kayong lalakas at magtatagumpay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.