Awit 119

Tulungan ninyo ako upang akoʼy maligtas; at nang lagi kong maituon sa inyong mga tuntunin ang aking isipan.

Psalm 119:117 (UKJV) Hold you me up, and I shall be safe: and I will have respect unto your statutes continually.

115Lumayo kayo sa akin, kayong mga gumagawa ng masama, upang masunod ko ang mga utos ng aking Diyos.

116Panginoon, bigyan po ninyo ako ng kalakasan ayon sa inyong pangako upang ako ay patuloy na mabuhay; at huwag ninyong hayaan na mabigo ako sa aking pag-asa sa inyo.

117Tulungan ninyo ako upang akoʼy maligtas; at nang lagi kong maituon sa inyong mga tuntunin ang aking isipan.

118Itinatakwil ninyo ang lahat na lumalayo sa inyong mga tuntunin. Ang kanilang panlilinlang ay walang kabuluhan.

119Basura ang tingin ninyo sa lahat ng masasama rito sa mundo, kaya naman iniibig ko ang inyong mga turo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.