Awit 119

Panginoon, dinggin ninyo ako ayon sa inyong pagmamahal; ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong paghatol.

Psalm 119:149 (UKJV) Hear my voice according unto your loving kindness: O LORD, restore life in me according to your judgment.

147Gising na ako bago pa sumikat ang araw at humihingi ng tulong sa inyo, dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako.

148Akoʼy nagpuyat nang buong magdamag, upang pagbulay-bulayan ang inyong mga pangako.

149Panginoon, dinggin ninyo ako ayon sa inyong pagmamahal; ingatan ninyo ang aking buhay ayon sa inyong paghatol.

150Palapit na nang palapit ang masasamang umuusig sa akin, ang mga taong tumatanggi sa inyong kautusan.

151Ngunit malapit kayo sa akin, Panginoon; at ang inyong mga utos ay maaasahan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.