Awit 119

Ilayo ninyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, sapagkat sinusunod ko ang inyong mga turo.

Psalm 119:22 (UKJV) Remove from me reproach and contempt; for I have kept your testimonies.

20Sa lahat ng oras ay naghahangad ako na malaman ang kautusan ninyo.

21Ang mga hambog ay sinasaway ninyo at isinusumpa ang mga lumalabag sa mga utos ninyo.

22Ilayo ninyo ako sa kanilang panghihiya at pangungutya, sapagkat sinusunod ko ang inyong mga turo.

23Kahit na magtipon ang mga namumuno at magsalita laban sa akin, akong lingkod ninyo ay patuloy na magbubulay-bulay sa inyong mga tuntunin.

24Ang inyong mga turo ay nagbibigay sa akin ng kagalakan, at nagsisilbing aking tagapayo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.