Awit 119

Alalahanin ninyo ang inyong pangako sa akin na inyong lingkod, dahil ito ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.

Psalm 119:49 (UKJV) Remember the word unto your servant, upon which you have caused me to hope.

47Nagagalak akong sundin ang inyong mga utos dahil mahal ko ang mga ito.

48Iginagalang ko ang inyong mga utos na aking minamahal, at pinagbubulay-bulayan ko ang inyong mga tuntunin.

49Alalahanin ninyo ang inyong pangako sa akin na inyong lingkod, dahil ito ang nagbibigay sa akin ng pag-asa.

50Ang inyong mga pangako ang siyang nagpapalakas at umaaliw sa akin sa mga paghihirap na aking dinaranas.

51Palagi akong hinahamak ng mga hambog, ngunit hindi ako humihiwalay sa inyong kautusan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.