Awit 119

Mabuti na pinarusahan ninyo ako, dahil sa pamamagitan nitoʼy natutunan ko ang inyong mga turo.

Psalm 119:71 (UKJV) It is good for me that I have been afflicted; that I might learn your statutes.

69Kahit na akoʼy sinisiraan ng mga taong mapagmataas, buong puso ko pa ring tinutupad ang inyong mga tuntunin.

70Hindi sila nakakaunawa ng inyong kautusan, ngunit akoʼy sumusunod sa inyong mga utos nang may kagalakan.

71Mabuti na pinarusahan ninyo ako, dahil sa pamamagitan nitoʼy natutunan ko ang inyong mga turo.

72Para sa akin, ang kautusan na ibinigay niyoʼy higit na mahalaga kaysa sa maraming kayamanan.

73Akoʼy nilikha at hinubog ninyo; kaya bigyan ninyo ako ng pang-unawa upang matutunan ko ang inyong mga utos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.