Awit 120

Parurusahan niya kayo sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal at nagliliyab na baga.

Psalm 120:4 (UKJV) Sharp arrows of the mighty, with coals of juniper.

2Panginoon, iligtas nʼyo ako sa mga mandaraya at sinungaling.

3Kayong mga sinungaling, ano kaya ang parusa ng Diyos sa inyo?

4Parurusahan niya kayo sa pamamagitan ng matatalim na pana ng mga kawal at nagliliyab na baga.

5Nakakaawa ako dahil naninirahan akong kasama ng mga taong kasinsama ng mga taga-Mesec at mga taga-Kedar.

6Matagal na rin akong naninirahang kasama ng mga walang hilig sa kapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.