5Ang Panginoon ang nag-iingat sa iyo; siyaʼy kasama mo upang ikaw ay patnubayan.
6Hindi makakasakit sa iyo ang init ng araw o ang liwanag ng buwan kung gabi.
7Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan; pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
8Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man, ngayon at magpakailanman.