3Panginoon kong Diyos, bigyan nʼyo ako ng pansin; sagutin nʼyo ang aking dalangin. Ibalik po ninyo ang ningning sa aking mga mata, upang hindi ako mamatay
4at upang hindi masabi ng aking mga kaaway na natalo nila ako, sapagkat tiyak na silaʼy magagalak kung akoʼy mapahamak.
5Panginoon, naniniwala po ako na akoʼy inyong mahal. Nagagalak ang puso ko dahil sa pagliligtas ninyo.
6Panginoon, aawitan kita dahil napakabuti nʼyo sa akin mula pa noon.