Awit 133

Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos na namumuhay nang may pagkakaisa.

Psalm 133:1 (UKJV) Behold, how good and how pleasant it is for brethren to dwell together in unity!

1Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos na namumuhay nang may pagkakaisa.

2Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos sa ulo ni Aaron na dumaloy sa kanyang balbas hanggang sa kuwelyo ng kanyang damit.

3Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon na umaabot sa Bundok ng Zion. At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala, at itoʼy ang buhay na walang hanggan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.