Awit 142

Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.

Psalm 142:4 (UKJV) I looked on my right hand, and beheld, but there was no man that would know me: refuge failed me; no man cared for my soul.

2Sinasabi ko sa inyo ang aking mga hinaing at mga suliranin.

3Kapag akoʼy nawawalan na ng pag-asa, kayo ay nariyan na nagbabantay kung ano ang nangyayari sa akin. Ang aking mga kaaway ay naglagay ng bitag sa aking dinadaanan.

4Tingnan nʼyo ang aking paligid, walang sinumang tumutulong sa akin. Walang sinumang nangangalaga at nagmamalasakit sa akin.

5Kaya tumawag ako sa inyo, Panginoon. Sinabi ko, “Kayo ang aking kanlungan, kayo lang ang kailangan ko rito sa mundo.”

6Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong, dahil wala na akong magawa. Iligtas nʼyo ako sa mga umuusig sa akin, dahil silaʼy mas malakas sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.