6Gamitin nʼyong parang pana ang mga kidlat, magsitakas at mangalat ang aking mga kaaway.
7Mula sa langit, abutin nʼyo ako at iligtas sa kapangyarihan ng aking mga kaaway na mula sa ibang bansa, na parang malakas na agos ng tubig.
8Silaʼy mga sinungaling, sumusumpa silang magsasabi ng katotohanan, ngunit silaʼy nagsisinungaling.
9O Diyos, aawitan kita ng bagong awit na sinasabayan ng alpa.
10Kayo ang nagbigay ng tagumpay sa mga hari at nagligtas sa inyong lingkod na si David mula sa kamatayan.