2Purihin ninyo siya, kayong lahat ng kanyang anghel na hukbo niya sa langit.
3Purihin ninyo siya, araw, buwan at nagniningning na mga bituin.
4Purihin ninyo siya, pinakamataas na langit at tubig sa kalawakan.
5Lahat ng nilalang ay magpuri sa Panginoon! Sa kanyang utos silang lahat ay nalikha.
6Inilagay niya sila sa kanilang kinalalagyan, at mananatili roon magpakailanman, ayon sa kanyang utos sa kanila.