11Akoʼy hinanap nila at ngayoʼy kanilang napapaligiran. Naghihintay na lamang sila ng pagkakataong itumba ako.
12Para silang mga leon na nakakubliʼt nag-aabang, at nakahandang sumakmal ng mga biktima.
13O Panginoon, mga kaaway koʼy talunin. Sa pamamagitan ng inyong tabak, akoʼy inyong iligtas mula sa mga taong masasama.
14Iligtas nʼyo ako sa mga makamundong tao na ang gusto lamang ay ang mga bagay ng sanlibutan. Kaming mga minamahal ninyo ay biyayaan ng kasaganaan, pati ang aming mga anak, hanggang sa aming kaapu-apuhan.
15Dahil akoʼy matuwid, makikita ko kayo. At sapat na sa akin ang makita ka sa aking paggising.