11Ginawa nʼyong talukbong ang kadiliman, at nagtago kayo sa maitim na ulap.
12Mula sa ningning ng kanyang presensyaʼy lumitaw ang makakapal na ulap, at bumagsak ang mga yelo at nagliliyab na baga.
13Ang tinig nʼyo, Kataas-taasang Diyos na aming Panginoon, ay dumadagundong mula sa langit.
14Pinana nʼyo ng kidlat ang inyong mga kalaban at nataranta silang nagsitakas.
15Sa inyong tinig at matinding galit, natuyo ang dagat at nakita ang lupa sa ilalim nito, pati na rin ang pundasyon ng mundo ay nalantad.