Awit 18

Alam nʼyong namumuhay ako nang walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan.

Psalm 18:23 (UKJV) I was also upright before him, and I kept myself from mine iniquity.

21Dahil sinusunod ko ang inyong kalooban, at hindi ko kayo tinalikuran, Panginoon na aking Diyos.

22Tinutupad ko ang lahat ng inyong utos. Ang inyong mga tuntunin ay hindi ko sinusuway.

23Alam nʼyong namumuhay ako nang walang kapintasan, at iniiwasan ko ang kasamaan.

24Kaya naman akoʼy inyong ginagantimpalaan, dahil nakita nʼyong matuwid ang aking pamumuhay.

25Tapat kayo sa mga tapat sa inyo, at mabuti kayo sa mabubuting tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.