1Minamahal ko kayo Panginoon, kayo ang aking kalakasan.
2Panginoon, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at tagapagligtas. Kayo, O Diyos, ang aking matibay na batong kanlungan na nag-iingat sa akin, kayo ang aking pananggalang, tanggulan at matatag na kuta.
3Karapat-dapat kayong purihin, Panginoon, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko.
4Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin.