4Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking daraanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin.
6Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, Panginoon na aking Diyos. At mula sa inyong Templo, pinakinggan nʼyo ang panalangin ko.
7Dahil sa inyong galit ay lumindol, maging ang pundasyon ng mga bundok ay nayanig.
8Umusok din ang inyong ilong, at ang inyong bibig ay bumuga ng apoy at mga nagliliyab na baga.