8Sa akiʼy hilingin mo ang mga bansa sa buong mundo, at ibibigay ko ito bilang mana mo.
9Pamumunuan mo sila, at walang sasalungat sa iyong pamamahala. Silaʼy magiging parang palayok na iyong dudurugin.’ ”
10Kaya kayong mga hari at pinuno sa buong mundo, unawain ninyo ang mga salitang ito at pakinggan ang mga babala laban sa inyo.
11Paglingkuran ninyo ang Panginoon nang may takot, at magalak kayo sa kanya.
12Magpasakop kayo sa hari na kanyang hinirang, kung hindi ay baka magalit siya at kayoʼy ipahamak niya. Mapalad ang mga nanganganlong sa Panginoon.