1Ang Panginoon ang aking pastol, hindi ako magkukulang ng anuman.
2Pinagpapahinga niya ako sa malagong damuhan, inaakay niya ako patungo sa tahimik na batisan.
3Binibigyan niya ako ng panibagong kalakasan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan.