3Binibigyan niya ako ng panibagong kalakasan. Pinapatnubayan niya ako sa tamang daan, upang siyaʼy aking maparangalan.
4Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, hindi ako matatakot dahil kayoʼy aking kasama. Ang inyong pamalo at tungkod ang sa akiʼy umaaliw.
5Ipinaghahanda nʼyo ako ng piging sa harap ng aking mga kaaway. Pinapahiran nʼyo ng langis ang aking ulo. At hindi nauubusan ng laman ang aking inuman.
6Tiyak na ang pag-ibig at kabutihan nʼyo ay mapapasaakin habang akoʼy nabubuhay. At akoʼy maninirahan sa inyong tahanan, aking Panginoon, magpakailanman.