Awit 24

Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumuntong sa kanyang banal na lugar?

Psalm 24:3 (UKJV) Who shall ascend into the hill of the LORD? or who shall stand in his holy place?

1Ang buong mundo at ang lahat ng naririto ay pag-aari ng Panginoon.

2Itinayo niya ang pundasyon ng mundo sa kailaliman ng dagat.

3Sino ang karapat-dapat umakyat sa bundok ng Panginoon? At sino ang maaaring tumuntong sa kanyang banal na lugar?

4Makatutuntong ang may matuwid na pamumuhay at malinis na puso, ang hindi sumasamba sa mga diyos-diyosan, at ang hindi sumusumpa ng kasinungalingan.

5Pagpapalain siya at ipapawalang-sala ng Panginoon, ang Diyos na kanyang Tagapagligtas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.