20Walang maganda sa sinasabi nila, sa halip sinisiraan nila ang namumuhay nang tahimik.
21Sumisigaw sila sa akin na nagpaparatang, “Aha! Nakita namin ang ginawa mo!”
22Panginoon, alam nʼyo ang lahat ng ito, kaya huwag kayong manahimik. Huwag kayong lumayo sa akin.
23Panginoon kong Diyos, ipagtanggol po ninyo ako sa kanila.
24Ipahayag po ninyo na akoʼy walang kasalanan, O Panginoon kong Diyos, dahil kayo ay matuwid kung humatol. Huwag ninyong hayaang akoʼy kanilang pagtawanan.