9Ang masama ay ipagtatabuyan, ngunit ang nagtitiwala sa Panginoon ay mananatili sa lupaing ito.
10Hindi magtatagal at mawawala ang masasama. At kahit hanapin mo man sila ay hindi mo na makikita.
11Ngunit ang mga mapagpakumbaba ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel nang mapayapa at masagana.
12Ang mga masama ay nagpaplano ng hindi mabuti laban sa mga matuwid, at galit na galit sila.
13Ngunit tinatawanan lamang ng Panginoon ang mga masama, dahil alam niyang malapit na ang oras ng paghahatol.