Awit 39

“Panginoon, dinggin nʼyo ang dalangin ko. Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong sa inyo. Huwag nʼyo sanang balewalain ang aking mga pag-iyak. Dahil dito sa mundo akoʼy dayuhan lamang, gaya ng aking mga ninuno, sa mundo ay lilisan.

Psalm 39:12 (UKJV) Hear my prayer, O LORD, and give ear unto my cry; hold not your peace at my tears: for I am a stranger with you, and a sojourner, as all my fathers were.

10Huwag nʼyo na akong parusahan. Akoʼy parang mamamatay na sa dulot nʼyong kahirapan.

11Dinidisiplina nʼyo ang tao kapag siya ay nagkakasala. Katulad ng gamo-gamo, inuubos nʼyo rin ang kanilang mga pinahahalagahan. Tunay na ang buhay ng tao ay pansamantala lamang.

12“Panginoon, dinggin nʼyo ang dalangin ko. Pakinggan nʼyo ang paghingi ko ng tulong sa inyo. Huwag nʼyo sanang balewalain ang aking mga pag-iyak. Dahil dito sa mundo akoʼy dayuhan lamang, gaya ng aking mga ninuno, sa mundo ay lilisan.

13Huwag na kayong magalit sa akin, upang akoʼy maging masaya bago ako mamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.