Awit 4

Marami ang nagsasabi, “Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?” Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang inyong kabutihan!

Psalm 4:6 (UKJV) There be many that say, Who will show us any good? LORD, lift you up the light of your countenance upon us.

4Kapag kayoʼy nagagalit, huwag kayong magkakasala. Magbulay-bulay nang may katahimikan habang kayoʼy nakahiga sa higaan.

5Ialay sa Panginoon ang mga nararapat na handog at magtiwala sa kanya.

6Marami ang nagsasabi, “Sino ang magpapakita sa atin ng mabuti?” Panginoon, ipakita po ninyo sa amin ang inyong kabutihan!

7Labis na kagalakan ang inyong ibinigay sa akin, higit pa sa kanila na sagana sa pagkain at inumin.

8Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob, sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.