1Kayong mga tao sa bawat bansa, magpalakpakan kayo! Sumigaw sa Diyos nang may kagalakan.
2Ang Panginoon, ang Kataas-taasang Diyos at kagalang-galang. Siya ang dakilang Hari sa buong sanlibutan.
3Ipinasakop niya sa aming mga Israelita ang lahat ng bansa.
4Pinili niya para sa amin ang lupang ipinangako bilang aming mana. Itoʼy ipinagmamalaki ni Jacob na kanyang minamahal.
5Umupo sa kanyang trono ang Panginoon na ating Diyos, habang ang mga taoʼy nagsisigawan at ang mga trumpetaʼy tumutunog.