1“Walang Diyos!” Iyan ang sinasabi ng mga hangal sa kanilang sarili. Masasama sila at kasuklam-suklam ang kanilang mga gawa. Ni isa ay walang gumagawa ng mabuti.
2Mula sa langit, tinitingnan ng Diyos ang lahat ng tao, kung may nakakaunawa ng katotohanan at naghahanap sa kanya.
3Ngunit ang lahat ay naligaw ng landas at pare-parehong nabulok ang pagkatao. Wala kahit isa man ang gumagawa ng mabuti.
4Kailan kaya matututo ang masasamang tao? Sinasamantala nila ang aking mga kababayan para sa kanilang pansariling kapakanan. At hindi sila nananalangin sa Diyos.