4Kayo, O Diyos ang tumutulong sa akin. Kayo, Panginoon ang aking maaasahan.
5Ibalik nʼyo sana sa aking mga kaaway ang kanilang kasamaan. O Diyos, sa inyong pagkamatapat, lipulin nʼyo sila.
6Kusang-loob akong maghahandog sa inyo Panginoon. Pupurihin ko ang pangalan nʼyo dahil napakabuti ninyo.
7Iniligtas nʼyo ako sa lahat ng paghihirap, at nakita kong natalo ang aking mga kaaway.