Awit 55

Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at ikaw ay kanyang kakalingain. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid, magpakailanman.

Psalm 55:22 (UKJV) Cast your burden upon the LORD, and he shall sustain you: he shall never suffer the righteous to be moved.

20Kinalaban ng dati kong kaibigan ang kanyang mga kaibigan; at hindi niya tinupad ang kanyang mga pangako.

21Malumanay at mahusay nga siyang magsalita, ngunit puno naman ng poot ang kanyang puso, at ang kanyang pananalita ay nakakasugat tulad ng matalim na espada.

22Ibigay mo sa Panginoon ang iyong mga alalahanin at ikaw ay kanyang kakalingain. Hindi niya pababayaan ang mga matuwid, magpakailanman.

23Ngunit itatapon niya ang mga mamamatay-tao at ang mga mandaraya sa napakalalim na hukay bago mangalahati ang kanilang buhay. Ngunit ako, akoʼy magtitiwala sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.