Awit 59

Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway; para silang mga asong umaalulong habang silaʼy naglilibot sa bayan.

Psalm 59:6 (UKJV) They return at evening: they make a noise like a dog, and go round about the city.

4Wala akong nagawang kasalanan, ngunit handa silang salakayin ako. Sige na po, Panginoong Diyos ng mga Hukbo, Diyos ng Israel. Tingnan nʼyo na ang nangyayari; tulungan nʼyo ako! Kumilos na kayo, at parusahan nʼyo ang mga bansang hindi sumasampalataya sa inyo. Huwag nʼyong kahabagan ang mga taksil na iyon.

6Tuwing gabi ay pabalik-balik sa lungsod ang aking mga kaaway; para silang mga asong umaalulong habang silaʼy naglilibot sa bayan.

7Pakinggan nʼyo ang kanilang pananalita; kasinsakit ng tusok ng espada. At sinasabi pa nila, “Wala namang nakakarinig sa atin.”

8Ngunit, pinagtatawanan nʼyo lang sila Panginoon. Kinukutya nʼyo ang mga taong hindi sumasampalataya sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.