Awit 60

Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa bayan nito na napapalibutan ng pader?

Psalm 60:9 (UKJV) Who will bring me into the strong city? who will lead me into Edom?

7Sa akin ang Gilead at Manases, ang Efraim ay gagawin kong tanggulan at ang Juda ang aking tagapamahala.

8Ang Moab ang aking utusan at ang Edom ay sa akin din. Sisigaw ako ng tagumpay laban sa mga Filisteo.”

9Sinong magdadala sa akin sa Edom at sa bayan nito na napapalibutan ng pader?

10Sino na ang makakatulong, O Diyos, ngayong itinakwil nʼyo na kami? Ni hindi na nga kayo sumasama sa aming mga kawal.

11Tulungan nʼyo kami laban sa aming mga kaaway, dahil ang tulong ng tao ay walang kabuluhan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.