25Nasa unahan ang mga mang-aawit at nasa hulihan ang mga tumutugtog; at sa gitna naman ay ang mga babaeng tumutugtog ng tamburin.
26Sumisigaw sila, “Purihin ang Diyos sa inyong mga pagtitipon! Purihin ninyo ang Panginoon, kayong mula sa lahi ng Israel.”
27Nauuna ang maliit na lahi ni Benjamin, kasunod ang mga pinuno ng Juda kasama ang kanilang lahi, at sinusundan ng mga pinuno ng Zebulun at Neftali.
28O Diyos, ipakita nʼyo ang inyong kapangyarihan, katulad ng ginawa nʼyo sa amin noon.
29Dahil sa inyong Templo sa Jerusalem magkakaloob ng mga regalo ang mga hari para sa inyo.