Awit 71

O Diyos, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan nang lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

Psalm 71:19 (UKJV) Your righteousness also, O God, is very high, who have done great things: O God, who is like unto you!

17O Diyos, mula pagkabataʼy itinuro nʼyo na sa akin ang tungkol sa inyong mga kahanga-hangang gawa at hanggang ngayon, inihahayag ko ito sa mga tao.

18At ngayong akoʼy matanda na at maputi na ang buhok, huwag nʼyo akong pabayaan, O Diyos. Maihayag ko sana ang inyong lakas at kapangyarihan sa susunod na henerasyon, at sa lahat ng mga darating sa hinaharap.

19O Diyos, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan nang lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo.

20Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay. At mula sa aking pagkakalibing, akoʼy muli nʼyong bubuhayin.

21Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan, at muli akong aaliwin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.